PAANO BA MAGMAHAL NG HINDI NASASAKTAN?
Maraming nagtatanong kung paano ba magmahal ng hindi nasasaktan? Paano daw ba ibhan yung sakit na nararamdaman dulot ng matinding pagmamahal? Paano daw ba gamutin ang nawasak na puso na likha ng mga nagdaang araw na kayo pa?
Unang una po sa lahat, tatanungin ko po kayo. Oo, kayong mga nasasaktan na. Bakit ka po nasasaktan? Kung ang sagot mo dahil nagmahal ka lang eh bakit ganon? Diba dapat masaya ka? Ang kaso nga lang eh, baka hindi ka mahal nung taong mahal mo. Eh kung ganon, tumigil ka na! Tama na yang kahibangan mo. Maghanap ka nalang ng lalaking magmamahal sayo ng tapat at totoo at hindi yung sa iba nakatingin! Ikaw yung nagmumukhang kawawa eh!
Wait lang hina highblood ako. Sa totoo lang ayaw ko ng ganito. Yung may mga taong nasasaktan at magdamag umiiyak dahil sa love. Hindi ba dapat kasiyahan ang dulot nito at hindi kalungkutan? Pero sa bagay, ganun naman talaga kasi hindi na magiging balance kapag puro happy nalang. Kaya sige push mo lang yang katangahan mo!
Ilang chances ba na magkakagusto siya sayo. Ano yung probability? Sige mag math tayo! Sa totoo lang depende yan eh. Kasi kung yung taong mahal mo, matindi na yung pundasyon ng pagmamahalan nila nung kinakasama niya edi wow! may 1% ka. Pero kapag yung gusto niya eh pabebe pa at medyo choosy, edi wow ulit! may 50% ka. Eto pa, paano kung yung gusto nung mahal mo may mahal ding iba, edi wow ng maraming beses! may 99% ka. Hahaha!
Pero masakit umasa lalo na kung alam mo na. Alam mong talo ka. Pero pinipilit mo paring kaya pa kahit hindi na. Ang sakin lang, you should love yourself first before loving someone else. Alam mo kung bakit? Kasi yun yung pundasyon. Iyon yung magpapatibay sayo at kapag natutunan mong mahalin yung sarili mo ng higit sa pagmamahal mo kahit kanino. I assure you, hindi ka na masasaktan ng mga taong hindi ka naman kayang ipaglaban.
That's all. Love yah!

Comments
Post a Comment